BABALA SA PUBLIKO! PEKE AT MAPANLINLANG NA DOKUMENTO GAMIT ANG PANGALAN NG DOE

Ang Department of Energy (DOE) ay mahigpit na nagbababala laban sa isang dokumentong kumakalat na nagsasaad na ang DOE ay umano’y nangangailangan ng “temporary safety bond” bilang bahagi ng isang safety training requirement.

⚠️ BABALA SA PUBLIKO! PEKE AT MAPANLINLANG NA DOKUMENTO GAMIT ANG PANGALAN NG DOE

Ang Department of Energy (DOE) ay mahigpit na nagbababala laban sa isang dokumentong kumakalat na nagsasaad na ang DOE ay umano’y nangangailangan ng “temporary safety bond” bilang bahagi ng isang safety training requirement.

Ang nasabing dokumento ay peke at hindi aprubado o kinikilala ng DOE. Ito ay nagpapanggap na isang kasunduan sa pagitan ng San Miguel Global Power Holdings Corporation at ng aplikante, na nag-uutos ng pagbabayad ng halagang ₱5,590.00 para sa isang “temporary safety bond” bilang kondisyon para sa pagdalo sa umano’y training programs gaya ng BOSH, LCM, at ISO certification.

❌ Walang ganitong requirement ang DOE.

Hindi nangangailangan ang DOE ng anumang uri ng bond o bayad para sa safety trainings o employment processing.

Hindi rin ito nagbibigay ng direktang employment endorsements o financial transactions sa mga job applicants.

✅ Para sa Kaligtasan ng Publiko:

Huwag magbigay ng pera o personal na impormasyon sa mga kahina-hinalang transaksyon.

I-verify ang anumang dokumento o job offer na nagsasabing ito ay kaugnay ng DOE sa pamamagitan ng opisyal na channels:

☎️ (02) 8479-2900

📧 [email protected]

🌐www.doe.gov.ph

Ang DOE ay nakatuon sa integridad ng serbisyo publiko at mahigpit na ipinagbabawal ang anumang uri ng panlilinlang o representasyon gamit ang pangalan ng ahensya.

Share the Post:

Related Posts